Binalewala
- Anya Mynorka Ileto
- Aug 2, 2016
- 1 min read
Naging manhid ako noon,
Sapagkat may ibang dumating.
At sa paglipas ng panahon,
Ikaw pala ang gustong makapiling.
Hindi ko masabi sa’yo,
Dahil alam kong may iba na.
Isang taong mahal mo,
At ganoon din ang nararamdaman niya.
Sana nagkaroon ako ng lakas.
Sana binuksan ko aking mga mata.
Ngayo’y gusto kong balikan ang nakalipas,
Ikaw naman ang lumayo ng landas.
Naging duwag lang ba tayong dalawa?
O baka ito talaga ang ang ating tadhana?
Ako na handa na sanang mahalin ka,
Ngunit hindi ko na kayang ipaglaban pa.
Bawat araw na hindi kita nakikita,
Akala ko ay makakatulong.
Ngunit nang ika’y bumalik,
Hindi ko maiwasang maiyak at magkulong.
Pinipilit kitang kalimutan.
Pinipilit kong hindi kita mahalin.
Pero hindi ko kayang subukan,
Dahil ikaw pa rin ang aking hiling.
Alam kong alam mo ang nadarama ko,
Pero alam ko ring siya na ang laman ng iyong puso.
Masakit isiping masaya ka na.
Wala naman akong magagawa kung sa kanya ay buo ka.
Pagod na akong umiyak.
Pagod ng umasa sa wala.
Pagod na akong masaktan,
Kaya sarili ko ay pinapalaya.
Isang bigo at sawi,
Sugat sa puso ko’y di mapapawi.
Sapat na panahon lang ang kailangan,
Upang ako’y makabangon at makabawi.
Mabawi ang oras na nilaan ko sa’yo,
Ngunit umiral ang kaduwagan ko,
At sa bawat segundong ako ang nagkulang,
Dahil natakot ako kaya nasayang.
Patawad, hindi ko kayang sabihin.
Hayaan mo’t siya ang dapat mong ibigin.
Itong pagtingin ko sa’yo,
Sa hangin ko na lang ipaparating.
Binalewala kita at ngayon ako naman ang iyong binalewala.
Kwento natin ay magiging sekreto.
Isang kasaysayan na tanging puso ko ang makakaalala.
Comentários