top of page

Oras, lumipas

  • Writer: Anya Mynorka Ileto
    Anya Mynorka Ileto
  • Nov 4, 2016
  • 1 min read

Sa isang iglap, kinuha ka ng walang paalam. Pumanaw at tanging iniwan ay alaala.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong madama. Iiyak ba o magiging manhid.

Tila napakadali lang talaga ng kahapon. Puno ng lungkot at saya, luha at tawa.

Isa lang bang kahapong ginawa para lamang ikaw ay makapiling?

Sa isang iglap, lumipas ang panahong tayo ay magkasama. Pumanaw at tanging iniwan ay alaala.

Tadhanang napakamapaglaro at napakabangis. Ayaw ko munang harapin ang bawat umagang wala ka;

Sa kadahilanang hinding hindi ko pa kayang tanggapin. Puno ng lungkot at saya, luha at tawa.

Isa lang bang kahapong ginawa para lamang ako ay magdusa?

Sa isang iglap, lumipas ang oras at pagkakataong wala ka. Pumanaw at tanging iniwan ay alaala.

Memorya ko sa iyo ay biglang naging pelikula. Sana batid mo na sa akin ay ikaw ay mahalaga.

Bawat sandali ay pinagsisihan kong hindi ka nayakap. Puno ng lungkot at saya, luha at tawa.

Isa lang bang kahapong ginawa para lamang tayo ay doon muling magkita?

Recent Posts

See All
Kaibigan kong tunay

Nais ko sanang magpasalamat sa'yo aking matalik na kaibigan, sa mga kwentong ating napag-usapan at panahong pinagsamahan. Magkalayo man...

 
 
 
Complexities

We think highly of ourselves, when our minds begin to wander. We often create delusions, when our chances fritter. We ought to make...

 
 
 
Taciturn

Trapped inside my head, are words I cannot utter. Trapped between books, are my unwritten letters. In a room filled with silence, you are...

 
 
 

Comments


CONTACT
EMAIL FOR COLLABS
SEND ME A NOTE

Success! Message received.

FOLLOW ME
  • Facebook
  • Twitter Clean
  • White Instagram Icon
  • White Tumblr Icon

    Join my mailing list!

    Never miss an update!

    © 2016 by ANYA ILETO. Proudly created with Wix.com

    bottom of page