Unsent.
- Anya Mynorka Ileto
- Dec 30, 2023
- 3 min read
Updated: Jan 1, 2024
Hi…
Natanggap ko ang mga texts mo nung isang araw. Honestly, pagod na ako. Pagod na pagod. Parang nawalan ng saysay lahat lahat.Pabalik balik na lang ano? Napapagod ka ng intindihin ako. Kahit ako mismo, pagod na sa sirang plaka kong sarili. Ayoko na sanang magparamdam sayo dahil alam ko naman na hindi na mababalik ang dati. Sayo na nanggaling mismo na hindi na tayo babalik sa dati. Dun ko narealize na sa simula pa lang siguro, never mong naisip na may possible future tayo. Naramdaman ko naman na kahit papaano, minahal mo ako. Pero ako siguro yung kulang. Ako yung mali. Ako yung tao na hindi na karapat dapat mahalin. Nag settle ako sa sitwasyon natin. Kaya nawala na respeto ko mismo sa sarili ko. Naging mabait naman ako sayo. Ginawa ko naman lahat, nagpakatotoo ako sayo. Lahat naman binigay ko na walang iniisip na dapat may kapalit. Kusa kong binigay ang oras at atensyon ko dahil gusto kita. Pero nabulag ako sa nararamdaman ko hanggang sa walang natira sa sarili ko. Kahit ano palang bait ko, kahit anong effort ko, walang taong magmamahal sa akin. Sana nga madaling gawin ang sinabi mo, na maging masaya. Na di makalimot ngumiti. Ang hirap gawin dahil durog na durog na ako. Hindi ko na makita or maramdaman man lang na kamahal mahal ako. Yung sakit, hindi basta basta madadala sa ngiti. Hindi lang yung rejection mo mismo ang sumira sa self-confidence ko, pati na rin sa pagtrato mo sa kin during my review. Pero alam mo ba anong mas masakit? Na never kong sinisi sayo. Ayokong isisi sayo dahil hindi mo naman talaga kasalanan. Hindi naman ikaw yung naghabol sa akin. Hindi naman ikaw yung nag effort na kamustahin ako. Hindi ikaw yung kusa na nagtatanong kung pwede tayo mag video chat. Hindi ikaw yung tumatawag kung alam mong hindi ako okay. Hindi ikaw ang unang nagsabi ng “I love you”. Hindi ko alam kung totoo rin ang "I love you too" mo. Hindi ikaw yung nagtanong kung ano ba talaga tayo. Hindi ikaw yung nagmakaawa na magstay ako. Hindi ikaw yung always nagpaparamdam. Hindi ikaw yung unang na inlove. Hindi ikaw yung nasasaktan sa ating dalawa. Sarili kong actions ang sumira sa akin. Hinayaan kong saktan mo ako. Hinayaan kong abusohin mo ang pagmamahal ko sayo. Always naman akong ganito. Yung ibubuhos lahat lahat. Yung unang mafa-fall. Yung always na nag e-effort kasi takot akong hindi sapat ang pinapadama kong pagpapahalaga sa tao. Takot akong iwan.
Hindi ko na rin alam san ko ilulugar ang sarili ko. Bawat galaw ko, sumosobra dahil nakakasakal ako ng tao pero kulang din dahil hindi naman sapat lahat para magstay sa akin. Ewan ko, siguro ako lang yung dumadaan sa buhay ng isang tao para sa lessons pero umaalis din sila pagkatapos malaman kung sino ako. Yun lang. I’m always the abandoned child, the neglected friend, the temporary lover. Hanggang dun lang.
Kaya mas mabuting maglaho na lang. Ayoko na sanang magising. Kasi sa bawat araw na nagigising ako, wala na akong nararamdaman pa. Wala ng dahilan na ngumiti. Pinipilit ko naman. Pinipilit ko na maging okay, pinipilit na maging masayahin tulad ng dati. Pero wala na. Hindi ko na alam paano ibalik yun. Ginagawa ko naman lahat pero tinatalo ako ng sarili ko. Kasi nasasaktan akong makita na pati mga magulang ko na hindi ako okay. Sila na lang iniisip ko kaya hindi ko magawa ang gusto kong gawin. Hindi na ako naawa sa sarili ko dahil consequence na to sa ginawa ko hindi lang sayo, pati na rin sa ibang tao. Consequence sa actions ko. Consequence na habang buhay kong dadalhin. Pasensya ka na ha. Hindi sapat ang ilang ulit kong sorry sayo. Mali palang pinilit ko kung ano man nangyari sa atin pero inilaban ko. Akala ko makikita mo yung halaga ko. Pero tulad ng iba, wala pa rin. Kaya ako na lang mawawala sa buhay ng mga taong importante sa akin. Ako na lang yung kusang mawawala sa buhay niyo. Ako na lang magpaparaya kung san kayo masaya. Siguro kung wala na ako sa buhay niyo, wala ng burden na papasanin. Wala na yung Anya na nakilala niyo. Wala na.
Comentarios